top of page

SEARCH BY TAGS: 

RECENT POSTS: 

FOLLOW ME:

  • Facebook Clean Grey
  • Twitter Clean Grey
  • Instagram Clean Grey

KWENTO NG MAGANDANG DALAGANG NATULOG SA ISANG BAHAY KASAMA NG ISANG BINATA!

  • Writer: Ibnu GHARIB
    Ibnu GHARIB
  • Jul 11, 2017
  • 2 min read

Binuksan ng binata ang pinto at sabay sabi: sino po kayo? At sumagot ang magandang dalaga: ako ay isang estudyante na dumating dito sa lugar ninyo kasama ng buong mag-aaral sa aming paaralan, ngunit aku ay kanilang naiwan, at hindi ku alam ang daanan pauwi.

sumagot ang binata: nandito ka sa bandang kanluran at dito ay walang maraming nakatira, at hinihinge ng binata sa dalaga na pumasok sa kanyang bahay at magpalipas ng gabi dito upang makapahinga at kinabukasan ay makahanap ng kanyang masasakyan pauwi sa kanilang lugar, at siya din ay matulog sa kanyang kama at ang binata naman ay matutulog sa sahig sa dulo ng kwarto, pagkatapos ay kinuha ng binata ang isang tela at nilagay sa kanilang pagitan.

Humiga ang dalaga at nagkumot, tinakpan ang kanyang buong katawan maliban sa kanyang mata at habang siya ay puno ng takot ay kanyang pinagmamasdan ang binata sa kanyang mga galaw.

Napansin ng dalaga na mayroong hawak ang binata na libro at kanya itong ibinaba at kanyang kinuha ang pansindi (lighter) sinindihan ito at dinidikit sa kanyang mga daliri sa kamay ang apoy ng mga tatlo hanggang limang minuto, at pagkatapos ay kanya itong papatayin at makaraang ilang minuto ay kanya naman itong uulitin, at habang pinagmamasdan siya ng dalaga ay umiiyak ito sa subrang pagkatakot. Sa gabing yaon ay walang nakatulog sa kanilang dalawa.

Kinabukasan ay hinatid siya ng binata sa kanilang lugar at naikwento ng dalaga sa kanyang ama ang nangyari sa kanila ng binata, ngunit hindi naniwala ang kanyang ama lalo pa at ang dalaga ay nagkasakit sa oras na yun dahil sa tindi ng kanyang pagkatakot sa gabing yun.

Pumunta ang kanyang ama sa binatang yun at nagpanggap itong naliligaw sa daan, at hininge sa binata na ituro sa kanya ang tamang daan, at napansin ng ama ang kaliwang kamay ng binata ay mayroong sunog, at kanyang tinanong kung bakit nasunog ang kanyang kamay.

at sumagot ang binata: kagabi ay mayroon dumating saakin na isang babaing maganda, at natulog sa aking kwarto kasama ku, at sa gabing yun ay binulungan aku ni shaitan o satanas, at kapag subra na ang bulong saakin, ay aking sinusunog ang isa sa aking mga daliri upang maalala ku ang apoy ng empyerno, at doon ay nasunog din ang aking pagnanasa, tunay na ang iniisip kung pagsamatalahan ang babaing yun ang mas masakit saakin kaysa pagsunog ku sa aking kamay.

Napahanga ang ama ng babaing yun at kanyang pinabisita sa kanilang bahay ang binata at nagdesisyong ipakasal sa kanya ang kanyang anak ng hindi nalalaman ng binata na yun pala ang maganda babae na kanyang sinasabi.

- siya ay nagtiis mula sa paggawa ng kasalanan kaya siya ay biniyaan ng Allah.

Sabi ni propeta Muhammad(s.a.w): sinuman ang kanyang iwan ang masang bagay para sa Allah, ay tunay na papalitan ito sa kanya ng allah ng mas mainam.

nawa'y biyayaan tayo ng Allah ng higit pa sa ganitong pagkatakot sa kanya, lalong lalo na ang mga kabataang


 
 
 

Commentaires


bottom of page